BABI ❤️
To my one and only babi

Hello mahal ko! Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, hindi ko din alam kung paano ko 'to tatapusin. Hahahaha. Sobrang hirap mahal. Alam mo? Alam mo yung kahit sandali lang ulit yung binigay satin, alam mo sobrang laki ng impact. Sobrang hirap sakin... promise.

Hindi ko alam kung bakit ganon? Kung bakit ako napagod? Sorry mahal ha, alam kong nangako ako ng hindi kita susukuan, na hindi ako mapapagod, na susubukan kitang intindihin, pero mahal sana maunawaan mo ha. Tao lang din talaga ako, madali lang din talaga ako mapagod. Once kasi na maramdaman ko na walang pake sakin yung tao, ganun mararamdaman ko. Sorry mahal ha? Naging epal ako masyado, sobrang grabe ako manghingi ng oras mo. Sorry ha? Pero kasi yung naramdaman ko talaga, parang wala ka na talagang oras sakin. Mahal never naman ako manghihingi ng oras mo kung alam kong enough yung binibigay mo sa akin. Sobrang nahihirapan lang din talaga ako, nag adjust na ako ng body clock ko for you, alam mo yung paggising ko sa umaga sobrang antok na antok talaga ako kasi anong oras na ako natulog para makausap ka, naka isang memo nadin ako dahil sa sunod sunod kong late na gising huhuhu. Ala kong di mo naman pinilit na gawin ko yon pero ginusto ko lang talaga na iadjust oras ng tulog ko para makausap kita. Kasi yun lang yung time na available ka eh. Yung makakavideo call kita, iba padin kasi talaga pag videocall or voice call.

Mahal, sobrang gwapo mo dito. Mamimiss ko mahal yung habang nagdadrive ka, hawak hawak mo yung kamay ko. Yung magagalit ka kapag bumibitaw ako. Mahal, sobrang mamimiss kita. Yung amoy mo, yung kasungitan mo, yung kakulitan mo, yung ngiti mo, yung mata mo, yung kili kili grr. Grabe, kahit sa sandaling panahon lang na binigay satin andami ko nang mamimiss sayo. Iisa isahin ko pa ba? Hahaha. Mahal sobeang nanghijinayang kamo ako, promise. Alam mo ba yon? Sobrang blessing mo na eh. Sobrang saya ko nung nagkaroon ulit tayo ng chance. Pero napagod nga ako, napagod maghintay tsaka mabalewala. Sorry mahal ha? Hindi ko naman talaga gjnusto na bitawan ka. Mahal, sinubukan ko naman kumapit, kaso ikaw talaga yung gumawa ng way para bumitaw ako. Mahal sobrang mamimiss ko yung tawa mo, yung tawa na tuwang tuwa pag nagkakaroon ako ng tanga moments. Huhuhu. Tapos yung inis mo kapag losestreak ka sa ml, yung lambing mo pag mag papaalam maglaro. Yung kiss mo kapag ayaw mo magpakita, nag vvm ka nalang ng "Ilove you, muwaaah" Grabe huhuhu

I love you! Wag na wag mong iisipin na hindi ka kamahal mahal, sinubukan ko namang iremind ka every time na kamahal mahal ka. Kaya nga kita minahal eh, mahal ko dapat alam mo yan. Hindi ka mahirap mahalin. Sobrang precious mo John Mark. Sobrang gustong gusto kitang alagaan, gusto ko pag naabot mo yung mga goals mo sa buhay andon ako, gusto ko kasama mo ako sa bawat mararating mo, gusto ko andyan ako kapag masama yung loob mo, gusto ko iparamsam sayo kung gaano ka kahalaga, kung gaano ka importante yung presensya mo. Kaso nga mahal, tanga ako. Sinukuan kita agad. Sorey talaga mahal, napagod lang talaga ako.

Mahal ko, sana maabot mo lahat ng gusto mo maabot. Yung gusto mong marating sa ml hihi. Top global ka dapat mahal ha? Ikaw pinakamagaling mag ml for me, sobrang proud ako sayo! As in! Sana maging masaya ka babi ko, sana wag ka din mag doubt sa sarili mo, always believe na kaya mo lahat hihi. And ofcourse, may magmamahal pa sayo, na mas higit sa pagmamahal na binigay ko. Yung mas maiintjndihan ka, yung hindi maghahangad ng bawat oras mo, yung mas mabuting tao. Mahal ko, alam kong kaya mo na yung sarili mo pero sana alagaan mo katawan mo ha? Grabe na kasi yung pagpupuyat mo. Dobrang baliktad na yung body clock mo. Nag- aalala lang talaga ako. Yung pagkain mo wag na puro sa fast food ha? Wag ka na tamarin magluto pls, kumain ka ng maayos. Mahal na mahal kita John Mark. Sobrang hirap padin kamo talaga. Sobrang bigat padin sa pakiramdam. Triple yung sakit mahal, sobrang sakit. Sobrang sakit din yung hindi mo manlang ako hinabol, hindi mo ako pinigilan. Para bang inaantay mo nalang na sukuan kita, totoo ba yun mahal? Gusto mo na ba talagang sukuan kita? Mahal sana hindi. Kasi sobrang iniisip ko yun e. Na baka ayaw mo na talaga sakin kaya binabalewala mo na ako para umalis ako. Huhuhu Pero mahal yung pagdadrive ha? Wag masyado mabilis pls. Mag ingat ka lagi mag drive, drive ka na papunta sakin oh? Umasa kaya ako non, na kinabukasan pupunta ka sakin tapos lalambingin mo ko na bawiin ko yon huhu kaso indi. Hindi ako worth ng ganung paglalambing. Sad

I love you my poging sundo. My poging boyfriend na mas maarte pa saakin. Hahaha I love you babi ko 🥺 Mahal na mahal kita. Wag mo akong kakalimutan ha? Kahit sa sandali, sana nagkaroon ako ng space dyan sa forever memories mo huhu. Kita naman tayo kahit isang beses nalang? Hug lang kuta ng sobrang tagal pls. Pls babi 😭 Mahal kita! Gusto ko pa sanang ipadama sayo yung pagmamahal ko kaso hindi na pwede. I love you JMC ❤️😭